Hindi kaya ako napasubo? Ilang kilay kaya ang aabot sa kisame? Ano naman ang ituutro ko dun?
Ok, I'm talking about precepting and intern. Special request ni Victoria e, gusto nya akong maging preceptor. 2 years pa lang ako sa Tele, kung tutuusin, isa ako sa mga bago sa unit. Halos lahat kasi ng mga nurses sa Tele ay more than 4 years na dun, marami na nga sa kanila ang RN III. Sa Ortho, semi-permanent charge nurse na ako, decision-maker, resource person. Paglipat ko sa Tele,nagsimula akong muli. Ibang level ito, maraming desisyon na hindi ko pa kayang gawin. Nung mga una, ni hindi ko kayang desisyunan kong pwede nang bumaba ng Xray ang pasyente na hindi nakamonitor. Kahit 2 years na ako dito, marami pa akong kulang. Hindi pa nga ako nakapagbolus ng Cardizem, never pa akong nag cardioversion. Samantalang sa Ortho, in less than a year, parang wala ng bago, said na lahat ng pwedeng matutunan.
Hinga ng malalim.....kung iisipin ko tlaga, magandang opportunity ito. Before ako umalis ng Ortho, naka schedule na ako sa preceptor class but since lumipat ako, naudlot na yun. By Feb, naka schedule na ulit ako. Isa pa, naisip ko na pagkakataon ko na ding magamit ang natutunan ko. Madalas akong tinatanong ni Gerry kung anong ginagawa ko sa floor, samantalang may MSN ako. Ano nga ba?
Ok, hinga ulit ng malalim. Tama, gagawin ko na 'to. Kaya ko 'to.
No comments:
Post a Comment